Filipino-American na si Megan Paragua, hinirang na world Chess champion

Hinirang na pinakamagaling na chess player sa buong mundo sa girls under 12 years old category ang Fil-Am na si Megan Paragua.

Ito ay matapos siyang magwagi sa FIDE World Cadet Rapid and Blitz sa  Albania.

Mahigit tatlong-daang manlalaro mula sa 40 bansa na lumahok sa dalawang torneyo.

Bukod sa tropeo nag-uwi si Paragua ng 1,100 euro o katumbas ng 70,000 na price money.

Natanggap ni Paragua ang kanyang FIDEN master title noong nakaraang taon at target niyang maging Chess master balang araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *