Filipino Archbishop, naitalaga bilang kinatawan ng Santo Papa sa Israel at Cyprus

Inanunsyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naitalaga si Archbishop Adolfo Tito Yllana bilang Apostolic nuncio sa Israel at Cyprus at bilang Apostolic delegate sa Jerusalem at Palestine.

Ang 73-anyos na si Yllana, na nagmula sa Naga City, ay ang kasalukuyang Apostolic Nuncio to Australia kung saan siya ay nagsilbi mula pa noong 2015.

Papalitan niya si Archbishop Leopoldo Girelli, na naitalaga bilang Apostolic Nuncio to India noong Marso.

Magiging kinatawan ng Holy See si Yllana sa apat na kontinente kabilang na ang Africa, Asia, Europe at Oceania.

Nagtrapos si Yllana bilang Doctor juris utriusque (Doctor of Both Laws) sa Pontifical Lateran University sa Roma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *