Filipino seafarers na apektado ng pag-atake sa Gulf of Aden, nabigyan ng tulong ng DSWD

Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Filipino Seafarer na nakaligtas sa missile attack ng mga rebeldeng Houthi sa Gulf of Aden.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, inatasan nito ang operations cluster ng kagawaran na tulungan ang mga pamilya ng dalawang nasawi gayundin ang mga nakaligtas sa insidente.

Bilang paunang tulong, nagpaabot ang DSWD ng 10,000 pesos cash assistance sa ina ng isa sa dalawang seafarer na namatay sa missile attack.

Nabigyan naman ng 20,000 pesos cash bawat isa, ang labing isang nakaligtas na dumating sa Pilipinas noong Martes mula sa Egypt.

Makakatanggap din ng tulong mula sa Kagawaran ang naulilang pamilya ng iba pang nasawi.

Patuloy namang nakatuon ang ahensya sa pagbibigay ng komprehensibong suporta upang matugunan pa ang kailangan ng mga nakaligtas na Filipino seafarers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *