Finance Department ng Soreco 1 binigyan ng hanggang July 31 upang magsumite ng simulation para sa wage increase

Hanggang sa katapusan na lamang ng kasalukuyang buwan ng Hulyo ang ibinigay na palugit ng pamunuan ng Soreco 1 sa Finance Department nito upang magsumite ng simulation para sa wage increase.

Ang direktiba ay kasunod ng daing ng mga empleyado kaugnay ng hindi angkop na sahod ng mga empleyado kung kaya nais ng Soreco 1 Management  na matugunan ang salary adjustments ng mga ito.

Batay kasi sa pag-aaral ang isang pamilya na may 5 miembro ay dapat na kumikita ng P842 hanggang P1,944 upang matugunan ang kanilang pangangailangan at magkaroon ng disenteng buhay.

Matatandaan na 7 taon na ang nakalilipas mula ng aprubahan ng National Electrification Administration o NEA ang reorganization at salary increase noong taong 2016 subalit 50% pa lang ang naibibigay na dagdag sahod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *