Finance Secretary Ben Diokno, pinabulaanan ang bali-balitang nagbitiw na ito sa puwesto

Nananatili umanong ‘very good’ ang relasyon ni Finance Secretary Ben Diokno at ng Pangulo.

Ito ang siniguro ng Kalihim sa gitna ng mga balitang kumalat na ‘di umano ay nagbitiw na siya sa puwesto.

Sa ambush interview matapos nitong dumalo sa ‘Pilipinas Conference 2022’, sinabi ni Diokno na hindi niya raw alam kung saan kumalat ang tsismis ng kanyang resignation.

Masiyado na rin daw siyang matanda pa para patulan ang mga ganitong isyu kaya naman sa ngayon ay magpapatuloy pa rin ang kanyang pagta-trabaho.

Kinumpirma rin ni Diokno na maayos naman ang kanyang relasyon kay Albay Rep. Joey Salceda at sa katunayan ay mayroon pa silang grupo na FFF, ‘o ‘yung ‘Friday Friends Forever’.

Matatandaang si Salceda, na isang economist lawmaker at chairperson ng House Committee on Ways and Means ang napabalitang pumalit kay Diokno bilang Finance Secretary.

Una na ring di-neny ng mambabatas ang appointment sa DOF.

BIR NEW COMMISSIONER

Samantala, ‘no comment’ na muna si Diokno sa pagpalit kay Internal Revenue Commissioner Lilia Guillermo.

Matatandaaang si Guillermo ay pinalitan ni Romeo Lumagui, ilang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang ma-appoint ito sa puwesto.

Sa ngayon, nakipag-pulong na umano si Diokno sa bagong BIR chief para talakayin ang ilang mga usapin.

Mababatid na bago pa man maitalaga si Guillermo sa BIR, una na niyang sinabi na tatalima siya sa Korte pagdating sa paghahabol sa bilyong utang ng pamilya Marcos sa kaban ng bayan.
#

RELATED STORIES:

Albay Rep. Joey Salceda, itinanggi itatalaga siya bilang Finance Secretary

Incoming BIR Chief, ipapaubaya sa korte ang umanoy unpaid estate tax ng pamilya Marcos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *