Fire Prevention Month sa Koronadal, umarangkada na

KORONADAL CITY – UMARANGKADA na kahapon ang obserbasyon ng Fire Prevention Month 2024 sa lungsod ng Koronadal. Ito ang sa pangunguna ng City Fire Station kung saan tatagal hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso.

May temang, “Sa Pag-iiwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa!” ang aktibidad ngayong taon. Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Fire Officer o FO3 Marco Angelo Castillo ng City Fire Station kung saan wala umanong dapat ikabahala ang publiko sa oras na gumagana ang kanilang wang-wang o sirena dahil indikasyon lamang ito ng nagpapatuloy nilang aktibidad sa lungsod.

Una nito, nagsimula na kahapon ang kanilang Fire Truck visibility sa layuning makikita ng publiko ang kanilang presensya sa mga daan. Sa Marso 05, 2024, magsasagawa ng Kick Off Ceremony ang BFP Koronadal na kinabibilangan ng Motorcade, at ang pagsasagawa ng programa kaugnay nito.

Samantala, nagtala ng mahigit 10 na mga sunog ang BFP-Koronadal simula noong Enero hanggang Pebrero 2024. Kaugnay nito, humihiling ang opisyal sa publiko na mag-ingat laban sa sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *