Fire Prevention Month umarangkada na! BFP Naga at Camarines Sur sanib puwersa  sa kick off ceremony

NAGA CITY-Sunod-sunod na wangwang ng bombero ang narinig kanina sa pag-arangkada na ng Fire Prevention Month. Kaninang umaga sanib puwersa ang Bureau of Fire Protection Naga at Camarines Sur kasama ang mga fire volunteer groups na Naga White at Chin Po Tong  sa kick-off ceremony sa Naga City.

Maaga ang programa ng BFP upang hindi na makaabala sa daloy ng trapiko sa lungsod, alas- 5:30 ng umaga itinakda ang parada patungo sa Plaza Quezon at nasundan ito ng programa sa parehong lugar. Tema rito ang “Sa pag-iwas sa sunog , hindi ka nag-iisa”.

Ayon kay City Fire Marshal CINSP Marc Allan Consuegra, dapat isa-isip ng bawat isa ang mga paalala ng BFP, sersyosohin at isabuhay upang maiwasan ang sakuna. Bago pa man ang Fire Prevention Month pito nang insidente ng sunog sa Naga kaya lalong mag-ingat ngayong mainit ang panahon. Lagi aniyang i-check ang mga appliances lalo na ang mga electricfan, airconditioner at iba pang kagamitang de kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *