First SDG center sa bansa, pinasinayaan sa ISU cauayan city campus

Pinasinayaan kahapon ang kauna-unahang Sustainable Development Goals (SDG) Center sa Pilipinas na matatagpuan sa Isabela State University Cauayan City Campus.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña, Usec. Sancho Mabboran, City Mayor Bernard Dy, ISU President Dr. Ricmar Aquino, ISU Cauayan City Executive Officer Dr. Precila Delima, representative ng United Cities at iba pang opisyal.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, sa pamamagitan ng pakikipag-tulungan sa hindi lamang sa local kundi pati sa international ay maraming mga makabagong teknolohiya at best practices mula sa ibang bansa na maaaring i-aplay din sa lunsod.

Maliban dito ay marami na rin aniyang mga proyekto at programa ang nailunsad sa pamamagitan ng tripartite agreement sa pagitan ng DOST at private organizations na nagsusulong para sa pagiging Smart City ng syudad.

Samantala, inihayag naman ni ISU Cauayan City Campus Executive Officer Dr. Precila Delima, na ang naturang center ay magiging training center ng start-ups o nagnanais pumasok sa pagnenegosyo at kahit anong proyekto na may kaugnayan sa SDGs.

Aniya, marami silang collaborations kabilang na ang United Cities abroad kung saan maaaring matututo ang mga lalahok lalong-lalo na ang pagsusulong ng economic, environmental at societal progress.

Paliwanag niya ito kahalitulad ng Technology Business Incubation (TBI) Center sa mga “newbies” o start-ups sa business at kukuha aniya sila ng trainers mula sa Regional Agencies na katulong sa naturang proyekto.

Hinikayat naman ni Dr. Delima ang mga estudyante ng ISU na maaaring mag-propose ng mga proyekto alinsunod sa SDG at makabahagi sa ibinibigay na pagsasanay na maaaring gamitin para sa pang-ekonomiyang pagbabago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *