Fish growers sa Koronadal, nakatanggap ng tilapia fingerlings

KORONADAL CITY – UMARANGKADA na ang pamamahagi ng mga tilapia fingerlings sa ilang mga fish growers sa lungsod ng Koronadal. Ito ay pinangunahan ng City Agriculture Office o CAO kung saan nasa 80, 000 na mga tilapia fingerlings ang naipamahagi sa 119 lahat na mga fish growers.

Nagmula sa iba’t ibang mga barangay sa lungsod ang mga benepisyaryo sa nasabing programa. Hinihikayat naman City Councilor Bernardo Hinay, chairman ng Committee on Agriculture and Food ng Sangguniang Panlungsod ng Koronadal ang mga benepisyaryo na dapat nilang mapadami at dapat nila itong matutukan para sa kanilang kabuhayan sa lungsod.

Maaalala, na tinututukan na ngayon ng city government sa layuining mas mapaibayo pa ang hanapbuhay ng maliliit na mga negosyante sa Koronadal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *