Fish sufficiency level ng Bicol, nasa 109% – BFAR

BICOL – TINIYAK ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Bicol na sapat ang suplay ng isda sa rehiyon sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na pandemya.

Ayon Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR Bicol, sa katunayan umano ay nasa 109% ang fish sufficiency level ng rehiyon sa kasalukuyan.

Nasusukat umano ito pamamagitan ng kabuuang populasyon sa rehiyon, maliban ang mga edad 0 hanggang 2-anyos, at minu-multiply sa annual per capita consumption.

Nangangahulugan umano ito na mataas pa ang produksyon ng isda sa rehiyon at hindi kailangan ang fish importation.

Paliwanag pa nito, tinatayang aabot sa  210,000 hanggang 233,000 metric tons ang fish produce ng rehiyon kada taon kung saan malaking porsyento umano nito ang ipinapadala sa mga canning facilities sa NCR.

Gayunpaman, pagdating sa produktong tinapa, hindi naman umano nirerekomenda ang mula sa mga lokal na mangingisda dahil sa magiging mataas din umano raw material cost gayundin ang farmgate price o SRP.

Kung ‘desirable sizes’ ng tinapa umano ay inaabot na sa 60 hanggang 80 pesos per kilo kung frozen fish ang gagamitin habang posibleng umabot naman ng 180 hanggang 220 pesos per kilo kung locally produced.

Kaugnay nito, wala namang umanong dapat ipangamba ang mga Bicolano kaugnay sa suplay seafood products sa merkado publiko dahil ito ay sapat at ligtas na ikonsumo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *