Fixed Registration Center para sa PhilSys, binuksan sa Koronadal City

KORONADAL CITY- BINUKSAN na ang Fixed Registration Center para sa Philippine Identification System o PhilSys sa JYSL Building, Balmores Street, Barangay Zone II, Koronadal City.

Sa fixed registration center isasagawa ang Step II process para sa PhilSys kung saan dito na kukunan ng biometrics tulad ng front-facing photo, fingerprints at iris scan ang mga nakatapos sa Step I o yaong mga nakunan na ng demographics.

Ang mga nakatapos sa Step 1 process ay makakatanggap ng text message kaugnay sa schedule ng kanilang pagtungo sa registration center.

Ayon kay Philippine Statistics Authority o PSA 12 Regional Director Atty. Maqtahar Manulon na nasa 225 na mga kliyente kada araw ang target nila na makunan ng biometrics. Pagkatapos ng Step 1 at Step 2, maghihintay na lamang ang mga registrants ng kanilang PhilSys ID at PhilSys Number.

Sa 4.5 million na populasyon ng rehiyon 12, mahigit sa 1.3 million ang naisailalim ng PSA 12 sa Step 1.

Ang Philippine ID System Act ay may layuning magkaroon ng isang national ID para sa lahat na mga Pilipino at mga resident aliens sa bansa.

Sa ngayon, on going ang online registration para sa mga hindi pa nakapagparehistro sa Step 1 o hindi nakasama sa house to house collection ng demographics. Para sa online registration, mag log on sa PhilSys Online Registration Portal na https://register.philsys.gov.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *