Flexible Working Arrangements, suportado ng CSC

Hinimok ng Civil Service Commission (CSC) ang Metro Manila government agencies na ipatupad ang Policies on Flexible Working Arrangements (FWAs) bilang pagsuporta sa inisyatibong pagpapabuti sa lagay ng trapiko sa NCR.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, ang mga polisiya ng FWA ay ginawa para sa adaptable at responsive na working schemes para sa mga civil servants para mai-promote ang maayos at epektibong performance sa kanilang mga tungkulin.

Pagtitiyak ng opisyal, hindi matitigil ang kanilang pagbibigay ng maayos, mabilis, at maaasahang serbisyo publiko buong linggo kahit na magkaroon ng FWA.

Mababatid na sa ilalim ng MC No.6, maaaring pumili ang mga tanggapan ng alin man sa anim na FWAs bilang makanismo ng nga kawani ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *