Flights sa Hamburg Airport, sinuspinde dahil sa hostage situation

Sinuspinde ang air traffic sa airport ng Hamburg, Berlin dahil sa pang ho-hostage sa isang bata.

Binangga ng isang gunman ang sasakyan ng biktima sa security area papunta sa kung saan nakaparada ang mga eroplano.

Ayon sa tagapagsalita ng pulisya na si Sandra Levgru, nagpaputok ang suspek ng dalawang beses sa hangin at naghagis ng dalawang nasusunog na bote palabas ng sasakyan.

Sa ngayon, naaresto na ang suspek at ligtas na ang mga biktima.

Photo Credits from Hamburg Airport

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *