Floating barriers inilagay muli ng China sa WPS

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na naglagay ng mga floating barrier ang China sa Scarbourough Shoal.

Ayon sa PCG, nagpapatupad din ng signal jamming ang Beijing para hindi ma-track ang mga barko ng Pilipinas.

Bukod sa floating barrier nakabantay ang China Coast Guard sa palibot ng barrier sakay ng rubber boat.

Sinabi ng Coast Guard na tinanggal na ng China ang mga barrier pero pagkalipas ng isang linggo ay ibinalik na ang mga ito.

Nilalagay umano ito ng China kapag matutunugan nilang may byahe sa Scarbourough Shoal ang PCG at BFAR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *