Focus crimes sa PH sa unang 11 araw ng 2024, bumaba ng higit 37%

Bumaba ng 37.32% ang focus crimes sa bansa sa unang 11 araw ng 2024.

Batay sa datus na ibinahagi ng PNP Public Information Office, mula January 1 hanggang 11, nakapagtala lamang sila ng 759 focus crimes kumpara sa 1,211 na insidente sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Base naman sa datos mula January hanggang December 2023, may kabuuang 38,230 na insidente ng focus crimes ang naitala ng PNP na mas mababa ng 8.44 percent sa 41,755 na insidente na iniulat sa parehong panahon noong 2022.

Ang 8 focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft, at motorcycle theft. //CA, edited: MENG TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *