Food and Non- alcoholic Beverages at iba pang commodities nakapagtala ng pagtaas ng presyo noong Abril

CAMARINES NORTE – Nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng presyo ang ilang commodities sa lalawigan noong Abril.

Batay ito sa Special release report ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Consumer Price Index for All Income Household sa Camarines Norte nitong Huwebes, May 12.

Kabilang sa mga commodities na nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng presyo ay ang Food and Non- alcoholic Beverages sa 0.21 %, Restaurant and Miscellaneous Goods and Services sa 0.14 % at Alcoholic Beverages and Tobacco na may 0.21 %.

Sa kabilang dako, negative price index naman Health, Transport, Housing, tubig, kuryente, Gas and other fuels.

Habang stable naman ang price index sa Communication, Education, Recreation and Culture, Furnishings Household equipment and routine maintenance of the house at sa Clothing and footwear.

Nanatili namang 72 centavos ang katumbas na halaga ng piso noong 2012.

Ibig sabihin, ang dating nabibili sa halagang isang daang piso noong 2012 ay katumbas na ngayon ng P139. 5.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *