Food Stamp Program ng gobyerno, hindi raw dapat mabahiran ng katiwalian ayon sa Pangulo

Dapat lahat ng Pilipino ay Busog, Malusog at Malakas.

Ito ang idiniin ni Pangulong Bongbong Marcos kasabay ng kick-off ng Food Stam Program sa CARAGA Region ngayong araw.

Pinatitiyak ng Pangulo na hindi lang daw dapat sapat ang suplay ng mga pagkain sa bawat rehyon, kundi ay masustansya rin nang sa gayon ay maging produktibo ang bawat benipisyaryo nito.

Kasabay nito ay nanawagan naman si Marcos sa mga beneficaries at mga nakatanggap ng Electronic Benefit Transfer (EBT) Cards na huwag sayangin at gamitin nang tama ang kanilang mga natanggap na tulong.

Pinasisiguro rin ni Marcos sa bawat ahensya ng pamahaalaan na dapat ay hindi ito mabahigan ng kurapsyon at anomalya.

Sabi ng Pangulo – hangga’t maayos ang pamamalakad dito – mas maraming makabebenepisyo at makakamit ang kaniyang target na ‘zero hunger’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *