Foreign trips ni PBBM, nagbunga na ng halos P300 billion investment

Pumalo na sa 294 billion pesos ang halaga ng mga actualized investment na bunga ng mga naging foreign trips ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay DTI- Board of Investment o BOI Undersecretary Ceferino Rodolfo, walong proyekto na nagkakahalaga ng 227.72 billion ang nag materialized, 44.02 billion naman para sa 11 projects, at 22.17 billion para sa karagdagan pang 9 na proyekto as of December 21.

Sinabi pa ni Rodolfo na rehistrado na sa mga investment promotion agencies tulad ng BOI at Philippine Economic Zone Authority o PEZA ang mga nabanggit na actualized investment.

At ilan din sa mga proyektong ito ay fully operational at nag eemploy na ng mga Pinoy workers.

Nabatid na hindi bababa sa sampu ang naging foreign trips ni Pangulong Marcos sa taong 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *