Forwarder na pinapatakbo umano ng isang Pilipino, inireklamo

Inireklamo ng ilang mga Overseas Filipino Worker ang isang forwarder dahil sa mga natenggang balik bayan boxes.

Napag-alaman din na ang may-ari ng forwarder ay isa pa lang Pilipino.

Ayon sa mga otoridad wala itong local counterpart sa Pilipinas kaya kung saan-saan napunta ang ibang padala.

Marami pang inenereklamong forwarder sa Qatar dahil sa mga matagal na proseso ng mga balik bayan box.

Ayon sa Bureau of Customs wala sa listahan ng mga accredited na forwarder ang pinadalhan ng mga nabiktima na OFW.

Nangako naman ang Customs na iimbestihan nila ang mga hindi naipadalang balik bayan boxes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *