Foul play, hindi nakikita ng PNP sa pagkamatay ng isa sa mga akusado sa Percy Lapid slay

Walang senyales ng foul play sa pagkamatay ng dating BuCor official at isa sa mga akusado sa Percy Lapid slay na si Ricardo Zulueta, ayon sa Philippine National Police.

Sa press briefing sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, na mismong kapatid ni Zulueta ang nagdala sa kanya sa ospital bago ito pumanaw.

Aniya, nag isyu na ang ospital ng death certificate kung saan “cerebrovascular disease intracranial hemorrhage” ang kinamatay ni Zulueta.

Dagdag pa ng opisyal, humiling ang pamilya ni Zulueta na hayaan munang magluksa pero nangakong makikipagtulungan sa PNP. Nilinaw naman ni Fajardo na sa kabila ng pagkamatay ni Zulueta ay magtutuloy tuloy pa rin ang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *