France, naka-high alert sa bird flu

Itinaas ng France sa ‘high’ mula sa ‘moderate’ ang risk level ng bird flu matapos madiskubre ang bagong kaso ng Avian Influenza sa kanilang bansa.

Payo ng Gobyerno sa mga poultry farms na panatilihing nasa loob ang kanilang mga alagang ibon upang hindi mahawa sa nagkalat ng nakakahawang virus.

Na-detect ng France ang unang bird flu outbreak sa bukirin ng Britanny.

Ang Avian Influenza o bird flu ay karaniwang lumalabas tuwing autumn at winter na dahilan ng pagkasawi ng daan-daang milyong ibon sa buong mundo sa mga nakalipas na taon.

PHOTO COURTESY: REUTERS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *