France, suportado ang AFP modernization program kabilang na ang pagbuo ng submarine force ng bansa

Suportado ng bansang France ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines kabilang na ang kahandaan ng Naval Group sa pagbuo ng submarine force.

Ito ang ipinaabot ni French Ambassador-designate to the Philippines Marie Fontanel-Lassalle kay Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro sa kanyang sa DND Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Wi-nelcome ni Sec. Teodoro ang commitment ng France sa Pilipinas sa pagtataguyod ng rules-based international order alinsunod sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Napag-usapan din ng dalawang opsiyal ang nakalipas na joint-sail ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Phil. Sea at ang possibleng reciprocal visits ng mga Defense minister ng Pilipinas at Pransya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *