Freedom from Debt Coalition: dapat makialam ang taumbayan sa pangungutang ng pamahalaan

Binigyang-diin ni Freedom from Debt Coalition Secretary General Rovik Obanil ang nakalulungkot na balita na buwan-buwan, nakapagtatala ang bansa ng panibagong record-high na utang.

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila kay Obanil, ipinaliwanag nito na ang malaking utang ng bansa ay nagsimula noong kasagsagan ng COVID-19 noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mariing sinabi ng opisyal na ilang taon na buhat nang matapos ang pandemya, pero tila hindi pa rin bumababa ang utang ng bansa.

Sa huli, iginiit ni Obanil, dapat makasama na ang mga taumbayan sa pagdedesisyon sa kung anong mangyayari at saan gagamitin ang uutanging pera lalo pa’t ang publiko ang siyang apektado nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *