French President Macron, sinampal habang nag-iikot sa France

Nakatikim ng sampal sa mukha mula sa isang lalaki si French President Emmanuel Macron kasabay ng pagbisita niya sa Southeast France.

Base sa mga video footage, naglalakad si Macron habang binabati ang mga mamamayan sa Tain-I’Hermitage sa Drome Region.

Nakipagkamay pa si Macron sa lalaking suspect nang bigla nitong sampalin sa kaliwang pisngi ang Presidente.

Mabilis na nakaresponde ang security detail ni Macron kung saan inaresto ang lalaki at nailayo ang pangulo.

Ayon sa mga otoridad, bago ang pananampal ay isinigaw ng suspect ang “Montjoiel Saint-Denis” na isang medieval battle cry na ginamit ng Capetian royal dynasty na nagpatakbo sa France mula 10th hanggang sa 18th century.

Maging ang political opponent ni Macron ay nagsabing hindi katanggap-tanggap ang ginawa sa pangulo kung saan aniya maaaring atakehin ito sa pulitika pero hindi sa bayolenteng paraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *