Fresh- cut lumbers, kumpiskado sa Brooke’s Point; 1 arestado

Kulong ang isang Kris Apecio Masong, 40 anyos matapos arestuhin ng Brooke’s Point Police madaling araw ngayong Lunes, May 30, 2022 sa Barangay Pangobilian Brooke’s Point, Palawan.

Ang suspek ay si Kris Apecio Masong, 40 anyos ng Barangay, Imulnod Brookes Point.

Iniulat ng Provincial Police Office na nagsagawa ng anti- illegal logging operation ang Brooke’s Point PNP ganap na 4:30 ng umaga at habang sila’y papunta sa lugar ay namataan nila ang isang top-down motorcycle na may kargang mga kahoy.

Tinangka pa raw ng suspek na tumakas pero hindi ito nakawala sa awtoridad at walang naipakitang permit sa mga dala-dalang kahoy.

Kinumpiska sa kanya ang mga ebidensya tulad ng  Barako II 175 4-stroke motorcycle(topdown) at assorted 25 piraso (hinihinalang agas tree) fresh-cut lumbers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *