Frontline agencies sa West Philippine Sea, pinagsusumite ng Kamara ng “wishlist”

Pinasusumite ni Mandaluyong City Representative Neptali Gonzales ng Wishlist ang mga frontline agency para sa pinakamahahalagang programa at proyekto na may kinalaman sa pagbabantay sa West Philippine Sea.

Ayon kay Gonzales na siyang chairperson ng Special Committee on West Philippine Sea, matitiyak ang pagbibigay ng prayoridad sa mga kagamitan para sa WPS sa sandaling isalang na sa bicameral conference committee ang panukalang pambansang pondo.

Maaari aniyang i-adjust ang kabuuang pondo ng mga ahensya sakaling kulangin kaya kailangang ipaalam sa mga mambabatas ang prayoridad.

Paliwanag ni Gonzales, dadaan pa sa Senado ang 2024 General Appropriations Bill na bahagi ng budget process.

Nagpasalamat naman si Defense Undersecretary Ignacio Madriaga sa Kamara at tiniyak na lahat ng karagdagang resources ay gagamitin sa tama upang maprotektahan ang soberenya ng bansa.

Dagdag ng Philippine Coast Guard, masusuportahan ng intensyon ng Kongreso na palakasin ang paggasta ang operational capability sa pagganap sa tungkulin sa WPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *