Fruit vendor, patay matapos pagbabarilin sa Tiaong, Quezon

Patay ang isang tindero ng prutas matapos umano itong pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Lalig, Tiaong, Quezon nitong Sabado, Setyembre 23.

Kinilala ang biktimang si Christopher Dita Magbayao, 40-anyos at residente ng Barangay Bukal ng nasabing bayan.

Ayon sa police report, bandang alas-5:00 ng hapon, nagmamaneho noon ng kanyang tricycle si Magbayao nang makailang beses itong pinagbabaril ng suspek.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima kung kaya isinugod ito sa hospital subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Sa ngayon, patuloy parin ang isinasagawang malalimang imbestigasyon at operasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *