Local News

Fuel subsidy ng LTFRB, tuloy tuloy pa rin

Tuloy-tuloy pa rin ang fuel subsidy na ibinibigay ng Lang Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ayon kay Arthur Cledera – Planning Officer ll ng Modernized Public Utility Vehicles o PMUVs  ng LTFRB Region V, mag- aplay lamang sa kanilang regional office ang mga jeepney operators para makapag avail ng nasabing fuel subsidy.

Maliban sa fuel subsidy, meron din silang ibinibigay na Tsuper Scholarship program para sa mga gustong mag- aral ng mga technical courses at support programs para sa mga displaced o tumigil sa pagpasada dahil sa pandemic.

Samantala, binigyan diin din ni Cledera na hindi na nila pinapayagan ang limang taong extension of validity ng mga jeepney operators, tanging provisional authority na lamang na magtatapos sa buwan ng Marso sa susunod na taon. Pero, ayon pa kay Cledera, pinapayagan nila ang pag- extend ng provisional authority hangga’t nasa proseso pa ang aplikasyon ng mga kooperatiba sa modernized jeepney.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago