Editors Pick

70 cadavers mula Bilibid, ipalilibing bukas

Kinumpirma ni Bureau of Corrections officer-in-charge Gregorio Catapang na simula bukas ay ililibing na ang bagong batch ng mga bangkay mula sa New Bilbiid Prison.

Matatandaaang sa kasagsagan ng imbestigasyon sa Lapid-Villamor slay case – naungkat ang halos dalawang daang mga labi ng mga persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Bilibid na natambak sa isang purenarya matapos mabigong ma-claim ng kanilang mga kaanak.

Sa pagharap ni Catapang sa ginawang pagpapalaya ng mga PDLs ngayong araw, inanunsyo niya ang pagpapalibing sa 70 mga karagdagang cadavers simula bukas.

Samantala, muli rin itong nagbabala sa mga personnel ng BuCor na umiwas na sa kurapsyon dahil may kalalagyan ang mga ito.

Bago pa man ito, ipinag-utos na ni Catapang ang pagpapahinto sa ilang mga proyektong iniwan ni suspended BuCor chief Gerald Bantag na nahaharap ngayon sa murder charges.

Kabilang na rito ang ipinatatayong extension building, at iba pang mga projects na naungkat sa imbestigasyon sa mga kaso ng dating liderato ng BuCor.
#

BNFM Makati

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

26 mins ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

39 mins ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

47 mins ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

50 mins ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

57 mins ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago