Fuel tax suspension, tinawag na ‘ill-advised’ ng DOF

Tinawag na ‘ill-advised’ ng Department of Finance (DOF) ang panukalang alisin ang fuel taxes sa bansa.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, lubos itong makakaapekto sa mga mahihirap at magkakaroon din ng negatibong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi ni Diokno na kapag sususpendihin ang fuel taxes, unang makikinabang ang 10% na mayamang pamilya dahil sila’y gumagamit ng kalahati ng kabuoan ng langis.

Binigyang-diin ng Finance Secretary na hindi ito ang sagot sa pangmatagalang tugon sa inflation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *