Full-blown internet votin ng mga OFWs, layong ipatupad ng Comelec sa 2025 Elections

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na target nito ang ganap na pagpapatupad ng internet voting para sa mga overseas Filipino sa 2025 midterm polls.

Ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco, buo na ang loob ng poll body na i-implement ito sa overseas voting.

Sa kabila nito, iipatupad lamang ang online voting sa lahat ng mga bansa na magpapahintulot sa kanila na gawin ito.

Umaasa rin ang poll body na ang pagpapatupad ng internet voting sa darating na halalan ay mahihikayat ang mga overseas Filipino na bumoto.

Kung matatandaan noong 2022 elections, sinabi ng Comelec na may kabuuang 1,697,215 na rehistradong botante para sa pagboto sa ibang bansa ngunit halos 688,961 lamang ang aktwal na bumoto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *