Full digitalization sa LTO, isinusulong

Isinusulong ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na maisakatuparan na ang 100% full digitalization upang mas mapabilis ang lahat ng transaksyon ng ahensya.

Ito ay matapos kilalanin ng Anti Red Tape Authority ang pagsisikap ng LTO na higit pang mapabuti at mapabilis ang lahat ng transaksyon nito.

Ayon kay Mendoza, dahil sa digitalization efforts mas mabilis na at komportable na rin ang pakikipagtransaksyon sa ahensya.

Bukod dito, nakatutok din aniya ang full digitalization effort upang mabawasan ang human intervention sa lahat ng transaksyon.

Dagdag pa ng LTO Chief, nasa 97% na ang paggamit ng bagong IT system at sinisikap na matugunan ang natitira pang 3% upang maisakatuparan na full digitalization.

Kung matatandaan, nanguna ang Land Transportation Office sa mga reklamo sa mga problema sa government transactions na ipinadala sa ARTA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *