Gallant 44, patuloy na magsisilbing inspirasyon sa SAF

Patuloy na magsisilbing inspirasyon sa buong hanay ng Special Action Force ng Philippine National Police ang kabayanihan ng Gallant 44.

Ayon kay PNP-SAF Director P/MGen. Bernard Banac, walang kapantay ang ginawang sakripisyo ng SAF 44 na nagbuwis ng kanilang buhay upang mapalaya ang bansa mula sa banta ng terrorismo.

Sa National Day of Remembrance of SAF 44 ngayong araw sinabi ni MGen. Banac, na
nagpapaalamat siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa patuloy nitong pagkilala at suporta sa hanay ng Pambansang Pulisya sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.

Patuloy aniyang magiging tapat ang hanay ng Pulisya sa kanilang tungkulin para sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *