Galvez, nakikitang makakamit ang herd immunity sa NCR, at mga kalapit na probinsya sa November

Inaasahan ng gobyerno na makakamit ang target na herd immunity sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na probinsya pagdating ng buwan ng Nobyembre. 

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.,  tinitignan nilang makamit ang herd immunity sa NCR at anim na probinsya sa loob ng 180 araw. 

Ginawa ni Galvez ang pahayag matapos nyang ilatag ang listahan ng mga lugar na ipaprayoridad na makatanggap ng doses ng COVID-19 vaccines sa gitna ng kakulangan ng suplay nito. 

Kabilang sa mga areas na ipa-prayoridad sa bakunahan ay ang NCR, Calabarzon, at Central Luzon.

Sinabi ng vaccine czar kagabi na kapag nakamit ang herd immunity sa pamamagitan ng pagbabakuna sa 70 percent ng mga residente sa mga areas, malaki ang tsansang makaka-recover ang ekonomita at maiiwasan ang pagsipa ng cases. 

Mababatid na pumalo na sa 1.6 milyong Pilipino ang nabakunahan na simula nang umarangkada ang vaccination program noong Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *