Gasoline boy, patay sa pamamaril sa Polangui, Albay

LEGAZPI-Patay ang isang gasoline Boy dahil sa pamamaril ng di pa kilalang salarin sa Barangay Sta Cruz bayan ng Polangui Albay.

Nakilala ang biktima na si Jay-Ar Cuya Santac, 25 anyos residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report , nakatanggap ng tawag ang pulisya sa isang nagngangalang Nicanor ViƱas upang ireport ang pamamaril sa lugar.

Agad na pinuntahan ng Polangui MPS ang lugar upang rumesponde sa lugar kung saan nakita nila ang biktima na naka-short pants at jacket na nakahandusay sa kalsada sa tabi ng kanyang motorsiklo na dugoan ang sa katawan.

Agad na isinugod ang biktima sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival ng attending physician.

Sa inisyal na imbestigasyon papauwi ang biktima sa Brgy.Sta. Cruz ng nasabing munisipyo, sakay ng kanyang motorsiklo nang harangin ng hindi pa nakikilalang suspek at biglang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ang biktima.

Agad namang tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang (2) basyo ng bala at anim (6) na basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre.

Kasalukuyang ang bangkay ng biktima ay dinala sa Masindo Funeral Homes, Brgy. Basud Polangui, Albay.

Sa ngayon ay patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagsasampa ng kaso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *