Gastusin sa parada ng lechon, itulong sa nangangailangan -Balayan LGU

Humingi ng pang-unawa ang alkalde ng Balayan sa pagkakansela ng tradisyon nang parada ng lechon ngayong araw, dahilan sa panganib na magdoble ang pagkalat ng Covid19 virus.

Kasabay ng pang-unawa ay humiling na din si Balayan Mayor JR Fronda na ang anupamang gagastusin sa kapistahan o ang budget para sa pagdiriwang ay itulong na lamang sa mga higit na nangangailangan.

Batid aniya na sa panahong ito ng pandemya ay madami ang nangangailangan ng tulong lalo na ang direktang naapektuktuhan nito gaya ng mga nawalan ng trabaho o di naman ayon sa alakalde ay maaring ilaan na lamang sa mahahalagang bagay na maaring magpalakas sa immune system ng bawat isa Balayenyo upang malabanan ang virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *