Gaza Border, binuksan na; Nasa 40 Filipinos, makatatawid

Dumating na ngayong hapon ang ika-anim na batch na mga overseas Filipino worker mula sa Israel.

Ang naturang Pinoy repatriates ay binubuo ng 42 OFWs at isang sanggol na dumating kaninang alas-3:15 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Etihad Airways Flight EY425.

Ang bawat repatriated OFW ay makatatanggap ng tig-P50,000 financial assistance mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa ngayon ay nasa 184 na ang kabuuang bilang ng mga OFWs ang nakabalik ng Pilipinas mula sa kaguluhan sa Israel at Gaza.

Samantala, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na opisyal nang binuksan ang border ng Gaza sa Egypt.

Ayon sa DFA – inaasahang makatatawid na ngayong araw ang 46 na mga Pilipinong naghihintay sa border.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *