GDP growth rate noong 2021 bunga ng pagsisikap ng Duterte Administration – Go

Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga pagsisikap ng Duterte Administration na makabangon sa mga hamon sa ekonomiya na dulot ng ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos na mai-ulat ang 5.6% Gross Domestic Product growth rate ng bansa noong 2021, na mas mataas sa mga naunang target.

Para sa ika-apat na quarter lamang, ang bansa ay nagtala ng 7.7% na paglago, na dahilan para maungusan ang karamihan sa mga kalapit-bansa ng Pilipinas.

Dahil dito, pinapanatili ng gobyerno ang ambisyosong target nito na 7% hanggang 9% na paglago sa 2022.

Kumpiyansa naman ang mambabatas na posibleng mas lalakas pa ang economic growth ng bansa dahil sa mas maraming negosyong muling magbubukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *