GDP growth target ng Pilipinas, ibinaba sa 6-7% ngayong taon

Inanunsyo ni National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan na nagpatupad ng revision sa gross domestic product o GDP growth target ng bansa sa taong 2024.

Sa Press Briefing sa Malacañang, sinabi ni NEDA Secretary Balisacan na mula sa naunang 6.5-7.5% target, ibinaba ito sa 6-7%.

Tinukoy ni Balisacan na dahilan nito ang naging performance sa last fiscal year 2023 ng bansa, pangalawa ang bahagyang pagbagal sa global economy, partikular ang trade at finance.

Gayundin ang pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo at ang trend ng inflation interest rate hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang trade partner na bansa tulad ng US.

Binigyang diin ni Balisacan na layunin ng NEDA na matiyak na realistic at sustainable ang ekonomiya ng bansa, at mapanatili ang Pilipinas na may fastest growing economy sa buong South East Asia.

Hindi naman nakikitang makaka apekto ito sa pagkamit ng single-digit poverty rate sa 2028, at sa hangaring maging upper middle income country ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *