Gen. Acorda: Paghiwalay ng Mindanao – magdudulot lang ng gulo

Hindi na raw kailangan i-entertain ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang panukalang Independence ng Mindanao.

Sa Press Briefing dito sa Kampo Crame, sinabi ni Gen. Acorda na 100 poryentong tututol dito ang Pambansang Pulisya.

Hindi raw kasi maganda ang panukala dahil posibleng magresulta lang ito sa kaguluhan.

Marami na aniyang nag buwis at nagsakripisyo ng kanilang buhay para matamo ang kapayapaan sa Mindanao.

Panwagan niya sa mga Pilipino, dapat maging United na lamang sa halip na maghiwa-hiwalay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *