Gerald Anderson, nali-link sa isang volleyball player

Spotted ang aktor na si Gerald Anderson sa laban ng  Choco Mucho Flying Titans at Cignal HD Spikers sa Premier Volleyball League (PVL) sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nang tanungin kung dumalo siya upang suportahan ang alinman sa Choco Mucho o Cignal, sinabi ni Anderson na parehong siyang fan ng dalawang koponan dahil sa gym na kanyang pag ma-may ari nag wo-workout ang mga players.

Ngunit hindi nakatakas ang aktor sa intriga ng mga netizens at sinabing baka may bet at sinusportahan itong player nang palihim.

First time kasing manuod ni Gerald sa isang volleyball game at nang mag-isa kaya’t nakakapagtaka raw ito.

Ang sigaw ng lahat, nanuod si Gerald ng PVL para sa Cignal player na si Vanie Gandler dahil sa ganda nito.

Sa kabila ng lahat ng akusasyon, wala pang kinumkumpirma si Gerald at hindi naman nila inanunsyo ni Julia Baretto ang kanilang hiwalayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *