Giant balloon na may mukha ng tao, kinagigilawan ngayon sa Japan

Japan– Kinagigiliwan ngayon ng mga nitizens sa bansang Japan ang malahigante nilang balloon na may disenyong mukha ng tao.

Makikita sa viral post ang giant balloon na nakalutang sa gitna ng kalsada na talaga namang nakakapahinto sa lahat ng mga dumadaan.

May kulay itong abo at may disenyong portrait na hango sa mukha ng tao.

Ang nasabing hinganteng balloon ay may temang “Masayume” na ang ibig sabihin ay “prophetic dream.”

Ayon sa mga artist ng nasabing balloon, ang disenyo ng balloon ay mula sa 1,000 katao na nag audition para sa kanilang gagawing proyekto.

Ang naturang balloon ay ginawa para sa Tokyo Olympics and Paralympics

Samantala, nagbigay naman ng suporta ang miyembro ng modern arts collective na si Kojin Haruka sa mga artist, aniya umaasa siya na magbibigay ng positibong epekto ang giant balloon sa lahat ng mga makakakita nito.### BERLYN VILLACRUZ, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *