Giant online retailer Amazon nakatakdang mag-layoff ng 10,000 empleyado

Nakatakdang magbawas ng aabot sa 10,000 na mga empleyado ang Amazon na sinasabing latest tech giant na magbabawas ng manggagawa.

Ayon sa report, kumakatawan sa 1% ng kabuuang workforce ng Amazon ang mababawas kung saan aabot sa 1.54 million ang kabuang empleyado nito sa buong mundo.

Base sa Times report, ang mga apektadong posisyon sa pagbabawas ay ang mga nasa devices department , retail division at human resources.

Nakasaad pa sa report na ang kabuuang bilang ng mga empleyado na mali-layoff ay posibleng magbago pero pras na matuloy, ito na ang pinakamalaking round ng tanggalan sa kasaysayan ng 28-anyos na kompanya.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, unang nag-anunsyo ang Mera na magbabawas ito ng 11,000 jobs o 13% ng kanilang workforce habang nagbawas din ang Online payment company na Stripe at ang car-hailing app Lyft. (LNM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *