Nabokya sa panalo ang Gilas Pilipnas sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria.
Ito ay kasunod ng pagkakatalo ng Gilas sa France, na unbeaten ngayon, sa score na 14-15.
Ginawa nina Charly Pontens at Dominique Gentil ang mga puntos sa pagsisimula ng laro na dahilan upang makalayo ang France sa score na 10-3.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2021/05/10-4-1024x1024.jpg?resize=1024%2C1024&ssl=1)
Agad naman pinutol ng Gilas ang malaking lamang ng France sa score na 13-11 sa tulong na rin ng permieter shot ni CJ Perez.
Tila ay naging imposible naman para sa Gilas na makahabol pa sa score matapos pumalo sa 15-11 ang lamang ng France.
Naipasok pa ni Joshua Munzon ang huling lay-up nito, ngunit ito na ang huli para sa kampanya ng Gilas sa 3×3 tournament.
Unang nakatikim ng talo ang Gilas sa koponan ng Qatar, Slovenia at Dominican Republic.