Gilas Coach Tim Cone, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Gilas Pilipinas Coach Tim Cone matapos bisitahin ang kanyang kapatid sa America.

Laking-gulat nito nang magpositibo ang kanyang swab test pagbalik ng Pilipinas, kaya’t agad itong nag-isolate nang isang linggo.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit hindi siya agad nakasama sa training at practice ng Barangay Ginebra.

Sa ngayon ay magaling na ang coach at nagbiro pa na puwede nang halikan ang sinuman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *