Gilas Pilipinas, puspusan ang paghahanda sa FIBA World Cup

Pukpukan na ang pag-eensayo ng Gilas Pilipinas hanggang sa pag-uumpisa ng World Cup sa Biyernes, Agosto 25.

Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, nais niyang mapanatili ang momentum ng koponan kaya’t tuloy-tuloy lang sila sa pagsasanay dahil tatlong araw na lamang bago ang torneo.

Samantala, sa huling tune-up game bago mag-umpisa ang FIBA World Cup pinayuko ng Mexico ang Pilipinas matapos makakuha ng 84-77 na iskor.

Pinamunuan ni Scottie Thompson ang Gilas kung saan umiskor ng 14 points, six rebounds at limang assist; pero nagkulang ang Pilipinas kaya’t silay pinulbos ng Mexico na may 54% shooting range sa buong tune-up game.

Bukod dito, dahil sa huling shot sa first quarter ng beteranong si Paul Stall lumaki ang lamang ng Mexico laban sa Pilipinas na winalis sa iskor na 72-63.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *