Gilas, sinimulan na ang training para paghandaan ang World Cup

Sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang pagsasanay para paghandaan ang 2023 FIBA ​​Basketball World Cup na nakatakdang magsimula sa August 25.

Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, sinimulan ngayong araw ang matinding ensayo ng Pinoy cagers sa Maynila bago tumulak sa mas matinding preparasyon sa Europa kung saan sasalang ito sa ilang tuneup games laban sa matitikas na European teams.

Pangungunahan nina Utah Jazz star Jordan Clarkson, Justin Brownlee at big man Ange Kouame ang 21-man national pool.

Kasama sa iba pang miyembro ng pool ang 7-foot-3 young big man na si Kai Sotto, Dwight Ramos, June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Jordan Heading, Kiefer Ravena, CJ Perez, Roger Pogoy, Thirdy Ravena, Carl Tamayo, Japeth Aguilar, Poy Erram, Bobby Ray Parks Jr., at Calvin Oftana.

Pinangalanan din sa pool ang dating NCAA men’s basketball champion at league Most Valuable Player Rhenz Abando at AJ Edu.

Nais ni Reyes na makabuo ng chemistry ang Gilas Pilipinas upang maging solido ang galaw nito sa FIBA World Cup at isa ang training camp sa magiging sagot dito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *