Gilas, tinambakan ang Taipei sa FIBA Asia Cup Qualifiers

Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang  Chinese Taipei kagabi sa laban nito sa FIBA ​​Asia Cup Qualifiers, na may final score na 106-53.

Naipanalo ng Philippine Team ang kanilang pangalawang laro matapos lang nialng talunin  ang Hong Kong noong Huwebes.

Kapansin-pansin naman ang pagbabalik ni Justin Brownlee sa kanyang kondisyon matapos niyang makapagtala ng 6 puntos, 13 rebounds, 5 assists, 2 blocks, at isang steal.

Nagsilbi ring playground ni Kai Sotto ang court matapos niayng makapag-ambag ng 18 puntos, 10 rebounds, limang assist, at tatlong block.

Ipagpapatuloy ng Pilipinas ang kanilang kampanya sa Nobyembre, kung saan makakalaban nila ang New Zealand at Hong Kong para sa ikalawang window ng Asia Cup Qualifiers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *