Ginang, inabot ng pangangak habang nasa flight patungong Hawaii

Hawaii–  Naging memorable ang sanay simpleng flight lamang ng isang buntis na ginang patungong Honolulu, Hawaii matapos siyang abutan ng panganganak habang sakay ng eroplano mula sa Utah.

Ligtas na naisilang ng ginang na kinilalang si  Lavinia Mounga ang kanyang sanggol dahil na rin sa tulong ng kanyang mga kapwang pasahero doktor at tatlong nurse na agad siyang binigyan ng asistensiya.

Samantala, agad na dinala sa ospital ang mag ina pagka landing ng eroplano upang mabigyan ng medikal na atensiyon at masuri ang kalagayan ng sanggol lalo na at napag-alamang ito pala ay premature.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *