Ginang sa bayan ng Mercedes sugatan matapos pagsasaksakin ng dating kinakasama

CAMARINES NORTE- Sugatan ang isang ginang sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte matapos pagsasaksakin ng dati nitong kinakasama dakong alas 8 ng gabi noong Sabado sa kanilang tahanan sa Purok 3, Barangay Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte.

Batay sa report pulisya, habang nasa loob ng bahay ang biktima na si alyas “Luz” 39, kasama ang dalawa nitong anak ay bigla umanong pumasok ang suspek na si Richard Flores y Badinas 37 na nasa impluwensiya ng alak.

Walang habas umano nitong pinagsasaksak ang biktima gamit ang ice pick sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Nagawang makatakbo palabas ng kanilang tahanan ang biktima upang humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Agad din namang sumaklolo ang mga opisyal ng Barangay at Tanod.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek at naiwan sa pinangyarihan ng krimen ang ginamit na ice pick.

Habang ang biktima naman ay isinugod sa ospital upang malapatan ng agarang lunas.

Inaalam pa ang motibo sa nangyaring pananaksak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *